DISKRIMINASYON: Maging mabait sa kapwa tao, lahat tayo ay may sariling pinagdadaanan.
Bago natin simulan pagusapan ang mga iba’t ibang diskriminasyon na nangyayari sa bansa natin at sa buong mundo, Ano muna ang ibig sabihin ng salitang ‘Diskriminasyon’?
Ang Diskriminasyon ay ang hindi pagtrato ng pantay sa isang tao dahil sa kulay at lahi nito, antas ng pamumuhay, kasarian, paniniwala sa buhay at marami pang ibang dahilan.
Isa ang bansang Pilipinas na may maraming mapang husga na tao, Ang mga tao sa pilipinas ay walang pinipiling tiyak na tao, kahit ito ay kapwa pinoy ay may diskriminasyon parin na nangyayari sa ating bansa. Lalo na sa usapang LGBTQ+, maraming mga tao na kasali sa LGBTQ+ community ang nakakaranas ng iba’t ibang panghuhusga at diskriminasyon araw araw dito sa pilipinas.
Isa si Gretchen Custodio Diez, 28 anyos sa mga biktima ng diskriminasyon sa ating bansa. Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa pamamagitan ng paggamit ng facebook live. Ayon sa Facebook live ni Diez, hindi siya pinapayagan ng nagbabantay ng CR sa mall sa Quezon City dahil naniniwala ang janitress na lalaki parin si Diez. Hindi lang na siya ay hindi pinayagan gumamit ng CR kundi naging bayolente rin ang janitress at hinampas na paulit ulit si Diez dahil daw sakaniyang video recording. Hindi pa nakuntento ang mga staff sa mall na ito at pinosasan pa ng isang lady guard si Diez at dinala sa QCPD station 7.
Nasabi ni Diez sa isang Press Briefing na humingi na daw ng paunmahin ang janitress na nanakit sa kaniya ngunit hindi naging dahilan ito para hindi niya kasuhan ang management ng mall dahil sa paglabag sa ordinansa ng Quezon City na nagbabawal sa diskriminasyon sa tao batay sa sexual orientation at gender identity. Isa lamang si Diez sa mga biktima ng diskriminasyon sa ating bansa, marami pang ibang ganitong pangyayari na hindi natin nakikita.
Noong nagsimula ang virus na covid-19 sa buong mundo, ito ay naging dahilan para magkaroon ng Global Pandemic. Simula nung maraming tao ang naniniwala na ang Covid-19 virus ay nagsimula sa bansang China na parte ng Asya, maraming tao ang umaatake sa iba’t ibang silid sa bansang America kapag nakakakita ng Asian na tao.
Simula pa lamang ng Global Pandemic ay may mga insidente na nangyayari dahil sa pang aatake ng mga Amerikano laban sa mga Asian. Higit sa 3,500 na na insidente ang nangyari na may kasamang mga pananakit at diskriminasyon ang nangyari dahil naniniwala ang mga taga bansang America na kasalanan ng mga taga Asia kung bakit tayo ay nasa isang pandemya.
Isang 65 years old na matandang Filipino ang biglaang inatake ng isang tao sa New York City at sinabi nito ang mga salitang “ F*** Y**, you don’t belong here” habang ito ay sinisipa at sinusuntok sa mukha at dahil dito ang matandang babae ay tumumba. Sa tapat ng isang building nangyari ang insidente at may mga guwardiya na nanonood. Hindi lang tinulungan ng mga guwardiya ang biktima kundi ito rin ay sinaraduhan ng pinto. Ang biktima ay namamaga ang mukha dahil sa mga sipa at suntok na natanggap.
Ang mga pangkaraniwang diskriminasyon na nangyayari sa ating bansa ay tungkol sa kasarian, hitsura, antas ng pamumuhay at mayroon pang iba na hindi tinatanggap sa trabaho dahil ito ay hindi nakatapos ng kolehiyo. Kadalasan ang mga tao na kasali sa LGBTQ+ ang nakakaranas ng mga panghuhusga at diskriminasyon sa ating bansa.
Hindi katulad sa ibang bansa katulad ng United States of America na kadalasang diskriminasyon ay ayon sa kulay ng balat, lahi, relihiyon pati narin ang pinapanigan sa politika. Marami rin ang mga rasismo sa U.S laban sa mga African people dahil sa kulay ng balat nito, tingin nga mga tao, lalo na ng mga pulis ay may laging masamang balak ang mga ito. Sa relihiyon naman, ang tingin ng mga tao sa mga muslim ay mga terorista.
Maraming tao ang nakakaranas ng iba’t ibang diskriminasyon sa buong mundo dahil karamihan sa tao ay tinitingnan ang panlabas na anyo at hindi kinikilala ang pang loob na ugali bago ito ay husgahan. Marami rin ang mga naniniwala sa mga nilalabas na mga kabataan na balita sa social media tungkol sa mga bagay na nangyayari sa buong mundo. Lahat tayo ay may kanya kanyang pinagdadaanan sa buhay at hindi ito alam ng mga tao sa paligid natin kaya maging mabait sa kapwa at huwag maging masama.