Pilipinong Mag-aaral

Francine Redgie Alarcon
2 min readJun 26, 2021

--

12- gawain na dapat sundin ng mga mag-aaral na pilipino na makakatulong sa ating lipunan.

  1. Magkaroon ng disiplina sa sarili
  2. Sumunod sa magulang
  3. Suportahan ang produkto ng ating bansa
  4. Tumulong sa mga nangangailangan
  5. Mag-aral nang mabuti
  6. Sumunod sa mga patakaran sa eskwelehan
  7. Lumahok sa mga programa na nagpapanatili ng kalinisan ng ating paligid.
  8. Magtapon sa tamang basurahan
  9. Mag segregate ng basura
  10. Huwag sumaway sa batas-trapiko
  11. Magkaroon ng pagkakaisa
  12. Magbigay ng opinyon sa mga importanteng nangyayari sa ating bansa

Maaaring gawin ito ng mga pilipinong mag-aaral tulad ko, para makatulong sa pag unlad ng ating lipunan. Marami sa ating mag-aaral ang mga pabaya at hindi iniisip ang mga kakalabasan ng ating mga ginagawa sa ating lipunan.

Isa ang basura sa pinaka malaking problema ng ating bansa dahil karamihan sa atin ay hindi nagtatapon at nag sesegregate ng mga basura, lalo na sa mga paaralan.

Marami sa mga estudyante sa ating bansa ang walang disiplina sa sarili, lalo na sa simpleng pagtapon ng mga basura o pinagkainan sa tamang tapunan. Kahit ay may nakahanda nang tapunan na mayroong tatak kung saan itatapon ay nagagawa paring magtapon sa maling tapunan.

Bilang estudyante sa isang pampublikong paaralan, aking napapansin na matapos ang oras ng break time ay mga puno ng pinagkainan ang mga silid at ang mga basuruhan ay punong puno ng mga plastik at iba’t ibang pinagkainan at hindi nasusunod ang pagtapon sa mga nabubulok at hindi nabubulok. Mayroon namang mga estudyante na habang naglalakad ay pasimpleng tinatapon na lamang sa daanan ang kanilang kalat.

Karamihan sa estudyante ay mas pipiliing tumawid at mag jaywalking dahil ayaw gamitin ang overpass kahit ito ay delikado. Mayroong mga naaksidente dahil dito ngunit hindi ito naging dahilan para itigil nila ang pagtawid sa mga walang pedestrian lane.

Kapag ito ay ginawa ng mga kabataan ay sa tingin ko makakatulong tayo sa ating lipunan dahil ito ay aalagaan natin at hindi hahayaang mapabayaan ulit. Tayong mga mag-aaral ang pagasa ng ating lipunan dahil tayo ang may kakayahan para baguhin ito kaya simulan na nating disiplinahin ang ating sarili at sumunod sa mga patakaran at mga batas. Lahat ng problema ay may solusyon kung gugustuhin natin itong maayos.

--

--

Francine Redgie Alarcon
Francine Redgie Alarcon

No responses yet